EROPLANONG PAPEL

[Verse I]

Sandali, 'wag kang mapupuno sa paghihirap

Darating din ang pag-asa mong pinapangarap

'Di ba sapat na ika'y mayro'ng pag-ibig

Nasa puso mong hindi maipapalit?

'Ka'y ngumiti


[Verse II]

Ihip ng hangin sa kamay mong malamig

Daing na tinig, nasa aking pandinig

Liliparin ang isipan mo't damdamin

Makarating pa kaya sa kaniyang piling?

Ika'y pumikit


[Chorus]

Kung panalangin ko'y 'di marinig

Abutin man ng bawat sandali

Kailangan kong isigaw, ako'y iyong iyo

Ang dalangin ng puso'y ikaw


[Verse III]

Sandali, 'wag mong pigilan ang iyong pagluha

Damdamin mo'y aahon sa tumigil na tadhana

Aabutin ng 'yong palad ang hangarin

Makarating pa kaya sa kanyang piling?

Ika'y pumikit


[Chorus]

Kung panalangin ko'y 'di marinig

Abutin man ng bawat sandali

Kailangan kong isigaw, ako'y iyong iyo

Ang dalangin ng puso'y ikaw


[Bridge]

Ang kung sa bawat higpit ng aking pagdaramdam

Ay hindi ka malapitan

Makikiusap na lang


Kung panalangin ko'y 'di marinig

Abutin man ng bawat sandali

Kailangan kong isigaw, ako'y iyong iyo

Ang dalangin ng puso'y ikaw...


[Outro]

Ang dalangin ng puso'y ikaw

Ang panalangin sana'y marinig 

I BUILT MY SITE FOR FREE USING